Miyerkules, Hulyo 30, 2014

Simple lang naman kung bat tayo nagmamahal. Dahil ng likhain pa lamang tayo ng Panginoon, pinuspos na tayo ng pagmamahal.

Pero ano nga ba ang totong dahilan? kung isisisi mo yan sa Puso mo, sa bawat parte o ugat nito o sa isip mo at maging sa mga mata mo nagkakamali ka, nagmamahal tayo, simple lang,  dahil mahal natin yung tao na yon. Oo,  walang malinaw na dahilan o rason kung bakit nagmamahal ang isang tao. Kung tatanungin mo ko kung paano ko nasabing simple lang kung bat nga ba tayo nagmamahal e eto ang sagot ko.
Nagmamahal ako dahil tao ako, Gaya ng una kong sinabi nililikha pa lang tayo ay napuspos na tayo ng pagmamahal, di ko naman sinasabi na kapag hayop ka e di ka na pwedeng magmahal syempre may iba't-ibang uri ng pagmamahal pero mas mataas ang sa aten. Pangalawa, pagnagmahal ka naman hindi mo kaylangan ng rason o dahilan, basta alam mong mahal mo sya sapat na yon.Basta masaya ka kapag kasama mo sya, masaya kang nakikita mo sya, palagi mo syang naiisip, o basta lang nandyan sya e may kakaibang sayang dulot ito sayo. Pero bakit nga ba walang rason kapag nagmahal ka? Kase kahit gaano kapa katalino once na nagmahal ka, mabubulag ka. Makakagawa ka ng mga bagay na hindi mo inaakalang magagawa mo at hindi ka makakapagisip ng kahit anong rason dahil gusto mo lang mapasaya mo sya dahil nga mahal mo sya. Pag nagmahal ka rin wala ka ng pakeelam sa itsura na, sa estado ng buhay nya,  sa mga naaraan sa kanya, o sa kahit ano pa. Nagiging perpekto sya sa mga mata mo.
Sa lahat ng ito, wala ako sa posisyon para sabihin ang mga ito. Opinyon at saloobin ko lamang ito. Basta tandaan mo na kapag magmamahal ka, dapat walang alinlangan, dapat din isentro nyo si God para sa lahat ng mga gagawin nyo, ibe blessed nya kayo:)